Masarap mangarap lalo na’t alam mo sa sarili mong hindi imposible na makamit mo ito
“Ano nga ba talaga ang pangarap ko sa buhay?” Yan ang tanong na nakatatak na sa aking isipan mula noon hanggang ngayon. Marami akong pangarap sa buhay ngunit yung mga pangarap na iyon ay huwad lamang na tila panlilinlang sa aking sarili kung ano nga ba talaga ang gusto ko sa buhay at ano ang gusto kong marating.
Pamula noong ako ay isilang hanggang sa dumating yung panahon na matuto na akong bumasa, sumulat, at makaintindi, sinabi ko sa sarili ko pag laki gusto ko maging tanyag na mangangalakal/negosyante (businessman). Pinangarap ko na magkaroon ako ng mas magandang buhay sa kung anong mayroon ako. Ngunit at pangarap na yoon para sa akin ay mananatili na lamang isang pangarap bagkus ang landas na aking tinahak ay landas kung saan buhay ng aking kapwa ang ang panghahawakan. Oo, ako ay nasa medical field at isang student nurse. Isang landas na pinili ng ibang tao para sa akin, pinili kong tanggapin ang isang bagay na kahit minsan hindi sumagi sa aking isipan. Para sa akin ang pagiging nurse ay isang hamon, ito ay pagsubok lamang ng Diyos sa akin, kung gaano ko ba kayang baguhin ang sarili ko, sukatan kung gaano ko ba uunawain ang lahat. Hindi ako nagreklamo, tahimik ko ginagampanan ang bagay na inaasahan ng iba na aking gagawin. Sa mga oras na ito naiisip ko na hindi ko pala ine-enjoy ang mga bagay na mayroon ako bagkus tumitingin ako kung anong mayroon ang iba. Naiisip ko na, bakit sila malaya na piliin ang bagay na gusto nila, samantalang ako, I have no choice. Naiisip ko saan nga ba tutungo ang buhay ko kung hindi kayang mahalin ito kahit nagagampanan ko lahat ng dapat kong gawin. Hindi ko maramdaman na andito ako, na masaya ako, ngunit andito ang aking konsensya at naririyan ang faith ko, naiisip ko na, bakit pa ako mamimili kong andyan na ang biyaya, maaaring swerte pa ako sa ibang tao dahil nakakakain ako 3-5 times a day, nakakapagkolehiyo ako, at pinagtitibay ng Panginoon ang tiwala ko sa kanya kahit minsan dumadagsa ang pagsubok. Pero hanggang ngayon yung katanungan ko ay hindi ko masagot sagot.
“Ano ba ang sagot?” Hindi ko din alam. Nagpapaka impokrito lamang ako sa ibang tao kapag sinasabi kong maging isang Doktor, minsan naiisip ko na maging Doktor, pero sa kaibuturan ng aking puso ay hindi ko ito naiibig. Sinasabi ko lamang ang ito upang linlangin ang aking sarili na may pangarap ako sa hanay ng mediko. Alam ko sa aking sarili, kahit kailan di ko na makakamit ang pangarap ko noon. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang isang huwad na pangarap. Sa totoo lang naiingit ako sa mga taong naging matagumpay sa kanilang napiling landas. Minsan natanong ko ang Diyos, bakit ito? Hindi siya sugamot, bagkus binigyan niya ako ng pagsubok na mahirap gampanan at tapusin, ngunit bunga ng aking kasipagan sa mga iyon at bunga ng aking mga dasal sinagot ng Panginoon ang dasal ko na malampasan ito, ngunit kahit matapos ko iyong mga pagsubok hanggang ngayon, andito parin ako, hindi pa rin alam ang kasagutan.
“Pangarap ko para sa pamilya ko.” Di ko man alam ang sagot kung ano nga ba ang gusto ko sa buhay, mayroon naman akong pangarap para sa aking pamilya. Dahil nag iisa na lamang ang aking ina, dahil isa na siyang balo pamula noong pumanaw ang aking ama, mas naisip ko na dapat ibigay ko sa aking ina ang nararapat. Pangarap ng aking ina na ako ay makatapos at makapaghanapbuhay, ngunit ang pangarap ko para sa kanya at sa aking magiging pamilya ay mas maginhawang buhay sa tinatamasa namin ngayon x100. Gusto kong iparanas sa kanya at sa aking magiging pamilya ang sarap ng buhay, nais ko na bigyan sila ng tahanan. Isang tahanan na pinapangarap ko, though mayroon naman kami, ngunit mas nag hahangap pa ako ng maganda, mas presko, maginhawa. Gusto kong tahimik kaming namumuhay ng aking pamilya sa aming tahanan. Kung nakakabili man kami ngayon ng gusto namin, gusto kong magkaroon pa ako ng praroridad na mabili ang lahat ng gusto namin at kailangan namin. Alam kong pinagpala kami, at sana mas pag palain pa kami. Nais ko ring makatulong sa aking kapwa, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga biyaya ng Panginoon. Hangad ko na matulungan ang bawat pamilya na nangangailangan ng tulong. Hindi man makumpleto ang pamilya ko kahit papaano mapasaya ko at matulungan ang ibang tao.
Maaaring hindi ko pa alam ang hangad ko sa buhay, ngunit alam ko na mayroong plano ang Panginoon na hingit pa sa hinahangad ko.
-Allen